
Masarap ba ang tutong? yan ang tanong ko sa nanay ko, di na ako nakatiis, habang isang gabi na naman nagsasandok si nanay ng hapunan. matapos kaming hainan, parang bang hinahalukay maigi ang kalderong mangitim ngitim, at ayaw tantanan.
bakit nga ba plaging sa kanya ang maitim n kanin?, tutong pala ang tawag dun. espesyal na parte ba ng sinaing ang tutong kaya di kami pinapartihan ni nanay nun? eh kung tingnan ko man eh mukhang kahit baboy at aso eh iisnabin kung s kanila mo yun ihahain...
Nginitian lang at may inusal n waring di ko masyadong naiintindihan, sabay sabing kumain kami ng kumain...
Ano nga bang masarap s tutong?, eh nang minsang naglakas loob ako eh, pagkapait nman ?, lunukin ko man baka magkagalos pa ang lalamunan ko sa tigas. ( kaya pala nagsasabaw ng tubig si nanay).. ang hirap lunukin o kainin, di ko alam kung paano nya nakuhang ngumiti habang kumakain, eh parang parusa ang kumain ng ganung pagkain.. at tipong perfect n ni nanay n magproject n masarap ang tutong habang nakatingin sa aming magkapatid.
Weird? sabi ko sa sarili ko, sabagay may tao talagang iba ang preference kesa s norms o s nakararami, baka lang talagang mahilig sya sa mapait na pagkain.
Lumaki kami sa hirap, may panahong pang di kami kumakain ng hapunan, o tanghalian.. na itinutulog na lang namin matapos magiyakan sa gutom, habang si tatay ay naghahanap ng mauutangan upang ipangtawid sa kumakalam naming mga tiyan. kung makakautang , maghahapunan s madaling araw, o magtatanghalian s gabi, o kung wala nman sabay n lang s agahan s kinabukasan, makikiusap s tinadahan s listahan naming mahaba p yata s rolyo ng toilet paper. minsan sabay sabay na..ALL IN kumbaga, depende kapag binubuwenas ka o minamalas..
Natutunan naming magtiis, namulot ng mga bagay s basura n pwedeng ibenta, plastik, bakal, yero, tanso kahit ano matapos ang maghapon ay dadalhin namin s junkshop ni mang pitong , pandagdag sa aming panluho. ( Naks)
kung minsan magtitinda ng puding ni tomboy, pang miryenda namin, na minsan isinugugal namin ng toss coin o kaya cara y cruz para lumago....
Di nman pang telenobela ang buhay namin, KJ si tatay, nagbarko sya at nagtiis na iwan kami , para guminhawa ang buhay.
di nman instant pero unti unti naging normal ang buhay namin,
Nagkaisip , nagsikap. baon ang munti nming pangrap.....
Nagumon s ibat ibang layaw at bisyo nageenjoy sa paglustay sa perang pinaghirapan ng magulang ko
luha at lungkot, tiis at pagod.
nadapa pero buo pa rin ang pagkatao...
bumangon at muling sinilangan ng tino ng pagiisip
dahil sa luha ni nanay, sa dulot naming pasakit...
Nagpatuloy sa buhay, nagpunyagi,... at natutong umibig
eto't s di inaasahang panahon maagang inagaw ng bagong daigdig
Isang bunga, pagasa at responsibilidad nasa balikat ko na muli pa lang tinutubuan ng Pagasa.
kakayanin ko na ba? natatakot kong tanong sa sarili ko
ayaw ko kasing maransan ng anak ko ang dinaanan ko...
Hamon ng buhay , natutong makihamok
sa abang kalagayan saan p nga ba susuong?
sa tulong at inspirasyong ng mga magulang, natutong magsakripisyo
magtrabaho at magaral , kailangan pagsabayin ko
sa tulog man ay salat , subalit ang isip di nagpapahinga sa pagisip at pagdarasal
di ako naging mabuting anak s magulang ko.
di ko man lang nasuklian naging suwail pa ako...
pero sana maging mabuting tatay naman ako.
Awa ng Diyos, Pagpupunyagi at damay ng taong sa amin ay nagmamahal
ang anak ko ay maayos nmang nailuwal
inspirasyon , sa patang katawan at Pangrap ko , na hndi na para s sarili ko kundi s munting
supling na syang ligaya ko.
Lumalaking mabuti at bibo at listo ang anak ko ( di gaya ko)
sa mabuti at dating daan, wika ng bibliyay dun dapat maturuan.
laking paslamat ko, ang anak ko di naging gaya ko.
kundi baka ndi ko alam kung s ngayon ay saan napadpad ako
Gaya ng nakagawian, isang hapunan kumakain ng sabay sabay
sa muling pagsandok ng sinaing,
isang nakaraan muling nakatakdang babalikan
sandok ang masarap n parte ng sinaing para sa anak ko't maybahay.
at ang huling bahagi ng sinaing , tutong kung tawagin
nilagay ko s plato ko at sinabwan upang aking makain...
ang ulam kahit anung division mahihirapan kang isolve
kayat maghihitay na lang ng sa remainder (tira) ng anak ko.
sa bawat pagsubo ng anak ko
ibang ligaya ang nararamdaman ko,
nakatunganga pa ako ng tinanong nya ako
"Itay Masarap ba ang tutong?"
Nagulat ako at malinaw n bumalik ang alala. Anak ng ...."deja vu"
Ngumiti n lang ako at napausal ng mga di mawaring salita
na ako lang ang nakakaintindi.
...at sabay sabing " kumain k ng kumain
dont talk while your mouth is full"
kamot na lang ng ulo ang anak ko
maari di nya nainrindihan ang lahat ng sinabi ko.
Ngayon alam ko n at naiintindihan ang sagot ng nanay ko
"di baleng wala ang Tatay/Nanay basta meron kayo (anak),
makita ko lang kayong kumakain, busog n rin ako".
sabay tulo ng luha ko.