Thursday, April 3, 2014

Hindi ng Plastik o ng Papel

HINDI NG PLASTIK O NG



Ilang Siyudad na sa kalakhang Maynila at Karatig Probinsya ang nagpapatupad ng No PLastic Policy sa mga tinadahan at establisamentoOO tila baga napakagandang layunin nito na masolusyunan ang isang mabigat na kalaban ng bayan, BAHA. Baha na nagdudulot ng perwisyo sa lalo na kung tag-ulanpero talaga bang ito ang solusyon? o ito nga ba ang tunay na problema?



Nauna kong tanggapin ang tila magandang hakbang na ito sino ba naman ang ayaw masolusyunan ang baha kahit medyo may mga negatibong epekto ito lalo na sa mga mamimili bakit kamo?



Una, kapag bibili ka ng pagkain sa mga foodchaintiyakin mong pang isa o dalawang tao lang ang i-tatake out mobakit?magbibitbit ka ng ilang paper bag ng pagkain , na pagkamalas ay ni walang handle o tanganan at pahihirapan ka magbitbit. o magbitbit ka ng ilang Softdrinks na nilagay sa paper try na pagkaminalas ka , di ka na aabot sa bahay mo, ubos na at natapon ang softdrinks binili mo. ( dalawang beses na nangyari sa akin ito). kaya isang pasakit ang magtake out para s buong pamilya mo lalo na kung wala kang sasakyan.---- bakit hindi sa ganung pagkakataon pahintulutan ang plasticbibili ka ng Float o Softdrinks, pero di ka bibigyan ng Straw??



kapag nag grocery ka kahit mabigat mabigat ang dala mo pagkakasyahin nila yun kahit tila mabutas n ang paper bag mo , o kung hindi naman minsan pipilitin kang bumili ng Eco Bag, at kung ayaw momagdusa ka magbitbit ng ilang paperbag na yayapusin mo dahil walang hawakan.



Paano pa sa panahon ng tagulan?



sige lang, lahat naman ng bagay , nangangailangan ng kaunting pagtitiisbigyan natin ng panahon, baka nga nagsisimula p lang



Pero ilang buwan, taon ang bumilang....bakit tila ganun pa din? ang mga kanal may basura , upos ng sigarilyo at plastic pa rin?bakit ang baha tila pasidhi ng pasidhi?



Teka teka , parang may maliimbis kasi na makakita ako ng positibong pagbabago bakit tila ganun pa rin ang sitwasyon natin pagdating sa baha at basurawalang pagbabago.



di ba dapat kahit paano may makita tayong kaunting positibong pagbabago?o hindi talaga iyon ang problema natin?

Kung Tutuusin , Parang di naman talaga solusyon ang paggamit ng paper bag o ang pagtigil sa paggamit ng plastik bagbakit? eh hindi ka nga gagamit ng plastic, granting , PERO LALAKAS ANG KONSUMO MO NG PAPER BAGat saan naman kukunin ang Paper Bag ??? sa PUNO...kaya ang Kagubatan nating Nakakalbo, mukhang namimiligro pa sa pagtaas ng demand ng Paper Bags..Pagdating Bagyo... ano ang magiging sanhi nito?



Landslide, Biglaang pagbaha.. at ilang buhay na nman kaya ang mabubuwis dahil sa malabis nating pagkasira sa kalikasan?

O baka nman its the simple obvious ang problema ang kanser na matagal na nating Problema

DISIPLINA....



makikita mo ang Kanal ano ang laman?

Plastic p rin.. hindi mga galing sa mga establisamentong nagpapatupad ng NO Plastic bag Policy

kundi bitbit mo , galing sa candy na kinain mo , tinapon mo kung saan saan dala mong plastic, pinaglagyan ng baong sandwhich saan mo tinapon? sa upos ng sigarilyo mo na pinitik mo lang tapos mo hititin,Yung C2 Mo matapos mo inumin hinagis mo.



busisiin mo pa ano laman?Diapher, pasador, plastik ng Chippy , NOva, at kung anu ano pa.



Sa mga pangunahing lungsod , katabi ng mga Convinient store at Fast food chainpansinin mo ang mga pampublikong basurahan, sa tabi nito may mga naninigarilyo, may mga nagaabang ng sasakyantuunan mo lang ng pansin katabi ng ng basurahan may makikita ka pang basurasa lapag, ... may segregasyon na , ni hindi pa makipagtiis n ilagay ng tama.



Bakit nman sa karatig bansa natin na may mga batas din ukol sa pagkakalatnakakasunod tayo, nadidisiplina tayo?



Anong Ordinansa ba ang magiging matagumpay kung wala ang isang pinakaimportanteng bagay na hinihingi ng pagbabago at pagsunod, .. DISIPLINA





DISIPLINA lang Brad... KUSA MO.







#CrashBlog

#Spontanouswriting

#bloggingwhileridingonabus

Relentless Voice : Rupert Estanislao

 Relentless Voice Rupert Estanislao Rupert  grew up in Quezon City, Project 7. migrated  in Vallejo, California, where thousands of working ...