Tuesday, August 9, 2022

An Ode to the Unattached

 An Ode to the Unattached

I

OO dalaga pa ako

sapagakat pinili ko

bakit hindi mo baga maunawa

bakit itinuturing mo akong kaawa- awa?

II

Dalaga pa ako sapagkat mas ninais ko

na sundin ang ang pangarap ko at ng magulang ko

Isang bagay na pinili ko

isang bagay na pinakaprayoridad ko

III

Mali kung iisipin mo na malungkot ang buhay ko

itinuturing ko ngang isang biyaya na ang kalayaang kong ito

nagagawa ko ang nasa ng aking puso

ng walang masyadong isipin at istorbo 

IV

Hindi kakulangan sa pagkatao ko ang walang nobyo

Sapat ang pamilya, mga kaibigan at kung anong mayron ako upang maging maligaya ako

ang sukatan ba ng buhay para sa iyo 

yung makakuha ng Nobyo upang mapangasawa mo?

V

Dili nga ba't sa iyo din galing

mga kwentong may luha kasama ng maraming daing

Hirap at Bigat ng kalooban na lubos na dinaramdam

sa dalas tila ba di mapaparam

VI

Sa mga karanasan ninyo Natuto ako

sa mga kwento ninyo naging matalino ako

ang pagpasok sa isang relasyon ay hindi madali

kaya't masisisi mo ba kung ako ay maging mapili?

VII

Dumating man ang panahon na akoy tumanda na

at ang pagaasawa man ay nalipasan na

Ang inyong sinasabi bagang Malaking kakulangan

ay itinuturing ko ngang naging isang isang Napakalaking Kapalaran

VII

Ang kaligayahan ay sa maraming dahilan

Ang katuturan ng isang bagay ay kung paano mo pahalagahan

Ang halaga ng buhay ay may ibat ibang kahulugan

hindi natatali sa pag-aasawa lamang ang kabuluhan






No comments:

Post a Comment

Relentless Voice : Rupert Estanislao

 Relentless Voice Rupert Estanislao Rupert  grew up in Quezon City, Project 7. migrated  in Vallejo, California, where thousands of working ...