Alay at isang Pagpupugay Kay Juan Isip
Bobby Balingit
Ipinanganak Nobyembre 13
Mangaawit at Gitarista ng isang haligi ng industriya ng Musika, ang Bandang Wuds.
Isang Tinitingalang manunulat,
Kilala si Sir Bob sa kanyang makabuluhang mga letra at mapanghamong musika.
Na nagpasimula pa noong dekada 80, bilang isa sa mga Pioneer ng Pinoy Punk scene, nagapatuloy hanggang dekada 90 bilang isa sa mga respetadong banda sa pagusbong ng Alternatibong musika at nananatiling nagpapatuloy hanggang sa ngayon.
Bukod sa pagiging manunulat ng musika,
Si Sir Bob ay isa ring Guitar Coach, Painter, theater actor, art installation artist,.vegetarian Chef at Novelist
Maligayang Kaarawan Sir Bob!
Alay ko ang tula para sa iyo.
Isang Pagpupugay Sir Bob
Isang mapagpalayang musika ang pumukaw sa mura kong isipan..
Di ko man hinahanap, Ngunit aking nasumpungan
Sumisigaw, nanggigising sa tulog na kamalayan,
Mga dating bagay na nakikita ngunit di nauunawaan
Sa pagbabago ng mata ng kaisipan aking namasdan
Sa mga panulat mo nakita ko ang pangit sa mundo
Malungkot, di maganda, masakit pero totoo.
Sa pagyaon sa buhay mabuti naman ang hanap ng tao
Dangan lamang di lahat nananatili dito
Sa bawat sigaw at ingay ng instrumento
Natutong mangarap ng marubdob na pagbabago
Kasamaan, kasakiman, mga institusyon at pulitikong gunagawa ng Pangagago
Masasanay na lang ba tayong lunukin lahat ito?
Maliit na tinig, yan ang papel ko sa isip ko
Hindi man lahat tayo ay tulad Nelsom Mandela o Lean Alejandro
Pero tulad nila pinagalab ng puso magsalita
Wag magpagamit sa mali, at huwag. magsawalang kibo at bahala
Sa mga taong ito ako natuto
Na ang kultura ng pangk ay higit sa pananamit at istilo
Di man ako nagmohawk at di man nakatikim ng DMs ang paa ko
Nakuha ko naman ang esensya nito
-Pilosopong Peledik
No comments:
Post a Comment