I had this conversation with some friends ( not really actually)
that are teasing a common friend , being left behind because , treated as something she lacks of
deprived of, because she doesnt have a special someone ( a boyfriend, partner or husband for that matter)
well i feel uncool for her, though i know she doesnt mind ...
i feel more sorry for the narrow minded persons who thought
being single is something deregatory or sad situation.
Here's a cheers for the Single women i know
Huge Respect and Admiration
I
OO dalaga pa ako
sapagakat pinili ko
bakit hindi mo baga maunawa
bakit itinuturing mo akong kaawaawa?
II
Dalaga pa ako sapagkat mas ninais ko
na sundin ang ang pangarap ko at ng magulang ko
Isang bagay na pinili ko
isang bagay na pinakaprayoridad ko
III
Mali kung iisipin mo na malungkot ang buhay ko
itinuturing kong ngang isang biyaya na nananatiling malaya ako
nagagawa ko ang nasa ng puso ko
ng walang masyadong isipin at istorbo
IV
Hindi kakulangan sa pagkatao ko ang walang nobyo
Sapat ang pamilya ko para maging maligaya ako
ang sukatan ba ng buhay para sa iyo
yung makakuha ng Nobyo upang mapangasawa mo?
V
Dili nga ba't sa inyo din galing
mga kwentong may luha kasama ng maraming daing
Hirap at Bigat ng kalooban na lubos na dinaramdam
sa dalas tila ba di mapaparam
VI
Sa mga karanasan ninyo Natuto ako
sa mga kwento ninyo naging matalino ako
ang pagpasok sa isang relasyon ay hindi madali
kaya't masisisi mo ba kung ako ay mapili?
VII
Ang halaga ng buhay ay may ibat ibang kahulugan
hindi natatali sa pagaasawa ang kabuluhan
ni hindi ko itinuturing na kakulangan
dahil dito ligtas naman ako sa mga sama ng kalooban
VIII
Dumating man ang panahon na akoy tumanda na
at ang pagaasawa ay nakaligtaan ko na
Ang inyong sinasabi bagang Malaking kakulangan
ay itinuturing ko nga na isang Malaking Kalayaan
Line notes: Elek Skunk
No comments:
Post a Comment